Google
 
SHOWBIZ CORNER
« Pacquiao, ayaw makasakit ng damdamin ng iba Sunshine Dizon finally speaks up about rumored boyfriend Jojo Manlongat »

FIRST READ ON PEP: Aiko Melendez gives up on her second marriage

Permalink 09/13/07 05:39 , Categories: News & Updates

Kumpirmadong hiniwalyan na ng actress turned politician na si Aiko Melendez ang kanyang pangalawang asawa na si Martin Jickain. Ang kaibigan at publicist mismo ni Aiko na si Ogie Diaz ang nagkumpirma ng balitang ito sa radio program niya na Wow...Ang Showbiz! sa dzXL kaninang umaga, September 13.

Ayon sa nakalap na balita ng PEP (Philippine Entertainment Portal), kinausap diumano ni Aiko ang ilan niyang malalapit na kaibigan na hindi na niya kayang makisama pa kay Martin.

"Suko na ako," ang sinabi raw ni Aiko sa kanyang mga kaibigan. Hindi niya na raw kaya diumano ang pambabae ni Martin, na isang model.

Hindi lang daw isang beses na may nagparating kay Aiko na nakita nila na may ka-date na iba si Martin. Madalas daw makita ang mister ng konsehala ng Quezon City sa Embassy Bar na may kasamang ibang babae. Pero ang pinakamalala raw ay nang makita diumano si Martin na may kasamang ibang babae sa Boracay.

Matatandaang ikinasal sina Aiko at Martin noong February 16, 2006 sa Fernwood Gardens sa Quezon City. May isa silang anak, si Marthena, na nagdiwang ng kanyang unang birthday noong July 28.

Marami noon ang nagpayo kay Aiko na huwag magpadalus-dalos sa desisyon na magpakasal agad kay Martin dahil ilang buwan pa lang silang nagkakilala ng dating modelo. Bukod doon, kabababa pa lang ng desisyon ng korte sa pagpapawalang-bisa ng kanyang unang kasal sa aktor na si Jomari Yllana, kung saan may isa rin siyang anak—si Andrei.

Pero wala na raw nagawa si Aiko dahil buntis na siya noon kay Marthena. Makakasira raw kasi sa political career ni Aiko kung makikipag-live in lang siya kay Martin habang pinagbubuntis niya sa Marthena.

Source: PEP
By: Julie Bonifacio
Dated: September 13, 2007

Send this page to friends » Leave a comment »Send a trackback »

Trackback address for this post

This is a captcha-picture. It is used to prevent mass-access by robots.

Please enter the characters from the image above. (case insensitive)

Array

No feedback yet

Leave a comment


Your email address will not be revealed on this site.

Your URL will be displayed.
(Line breaks become <br />)
(Name, email & website)
(Allow users to contact you through a message form (your email will not be revealed.)
This is a captcha-picture. It is used to prevent mass-access by robots.

Please enter the characters from the image above. (case insensitive)

Array
November 2008
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 << <   > >>
            1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30            

Get the latest showbiz chika here. This is a collection of showbiz news from all over the internet. All the contents should be used for personal used only. All the contents are owned by the respective sites to where the contents came from. Our goal is to collect those contents in one blog for easy reading.

Contents

Search

Who's Online?

  • Guest Users: 4

XML Feeds

powered by b2evolution free blog software

Contact | b2evolution skin by Asevo | Credits: blog software | blog hosting | Francois