Google
 
SHOWBIZ CORNER

Concert of "Pinoy Big Brother" Season 1 housemates snubbed by ABS-CBN execs

Permalink 09/17/07 02:09 , Categories: News & Updates

Almost 80 percent ng capacity ng Araneta Coliseum ang nanood sa free concert ng Pinoy Big Brother (PBB) Season 1 housemates, ang Housemates: Tuloy Pa Rin Ang Buhay sa Mas Pinalaking Bahay last Saturday, September 15. Handog ito ng PBB housemates sa kanilang fans bilang pasasalamat sa kanilang pagtangkilik. Nagsilbing reunion din ang naturang free concert para sa mga housemates na ngayon ay may kanya-kanyang buhay na sa labas ng Bahay ni Kuya after two years.

Pero sa simula pa lang ng show ay kapansin-pansin na ang mga isyu at intriga na bumabalot sa free concert ng mga housemate. Imbes na awitin ang theme song ng Pinoy Big Brother na ang "Pinoy Ako" ng Orange & Lemons, isang bagong komposisyon ang kinanta at sinayaw nila. But after the show, hindi nakatiis ang mga housemate at kinanta rin nila ang "Pinoy Ako" with other PBB housemates ng Season 2 na sina Bodie Cruz at Nel Rapiza.

Kapansin-pansin din ang hindi pagdating ng mga top bigwigs ng ABS-CBN na siyang nagpapalabas ng Endemol-franchised reality show program sa telebisyon. Bago magsimula ang show ay nakita na namin ang mga naka-reserve na first row seats ng mga upuan na nakalaan para sa President and CEO ng ABS-CBN na si Mr. Gabby Lopez, gayundin sa iba pang TV heads ng istasyon tulad ni Lauren Dyogi na siyang in-charge for production ng Pinoy Big Brother.

Patunay lang na inimbita ng mga namamahala ng free concert ang mga executives ng Kapamilya network. Pero nagsimula at natapos ang show, wala ni isa man sa kanila ang dumating.

Sa kabila nito, walang patid ang pasasalamat ng mga housemate kay Mr. Lopez at sa ibang executives ng ABS-CBN.

From a reliable source, napag-alaman namin na hindi pinayagan ang mga namamahala ng concert na gamitin ang titulong Pinoy Big Brother kaya pati ang theme song ng show ay bawal din nilang gamitin.

Bukod kay Sam Milby, most applauded ang production numbers ng ex-housemates na sina Franzen Fajardo with Salbakuta, Jason Gainza with Rocksteddy, at Uma Khouny na isang rebelasyon sa kanyang dance number. Paseksihan naman ang labanan ng production numbers nina Nene Tamayo, Cass Ponti, at Chx Alcala na umaming nagkabalikan muli sila ng boyfriend niyang si Love Thadani.

Umani rin ng tilian at palakpakan ang hottest young loveteam ngayon na sina Kim Chiu at Gerald Anderson na nag-promote ng launching movie nila na I've Fallen For You.

Humataw muli sa dance floor ang top finalists sa U Can Dance Season 1 na sina Jenny Miller with AJ Dee, Aaron Villaflor with Aiza Marquez, at ang mag-partner na nagkatulyan in real life na sina Nene Tamayo at mister niyang si Anthony Plamio.

Hanggang sa ending ng show, bonggang-bongga ang production number with the Dawn na inawit ang pasasalamat ng mga housemate sa mga sumuporta at tumangkilik sa kanilang lahat.

Source: PEP
By: Julie Bonifacio
Dated: September 17, 2007

Send this page to friends » Leave a comment »Send a trackback »

Mark Herras and Jennylyn Mercado to remake Sharon-Gabby movie "My Only Love"

Permalink 09/17/07 02:04 , Categories: Comments

Kumpleto ang cast ng Bahay Kubo sa pictorial para sa movie kahapon, September 16 sa pictorial nila sa Regal Films, Valencia office. Ang naturang pelikula ang isa sa tatlong entries ng Regal Entertainment sa 2007 Metro Manila Film Festival—the others are Shake Rattle & Roll 9 and Desperadas.

Nandoon si Maricel Soriano, ang mga "anak" niyang sina Mark Herras, Marian Rivera, Yasmien Kurdi, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Jiro Manio, Ysabella de Leon, at Sam Bumatay; ang kaniyang "mister" na si Eric Quizon; ang kanyang "ina" na si Ms. Gloria Romero; at ang kanyang mga kaibigang sina Bearwin Meily at Eugene Domingo.

Habang ongoing ang pictorial ay nagpa-interview ang cast members ng Bahay Kubo sa mga inimbitahang press people, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal). Isa sa pinakahuling na-interview namin ay si Mark Herras.

Naikuwento ng young actor na one taping day na lang ang nalalabi sa kanyang first solo show na Fantastic Man. Pero dahil advanced taping sila, malamang na matapos pa ang September bago ito mamaalam sa ere. Natapos na rin ang kanyang six-week guest appearance sa Boys Nxt Door at malapit na ring magtapos ang primetime soap niyang Mga Mata Ni Anghelita.

Ang matitira na lang kay Mark ay ang SOP at Bubble Gang. Pero nasabihan na rin siya na ang next project niya ay ang reunion soap opera nila ng kanyang original StarStruck partner and ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado. Ito ang remake ng isa pang Sharon Cuneta-Gabby Concepcion Viva Films movie na My Only Love, na ipinalabas noong 1982.

Ang My Only Love sana talaga ang follow-up soap opera nina Yasmien Kurdi and JC de Vera pagkatapos ng Pati Ba Pintig Ng Puso, pero isinalang agad ang dalawa sa Pasan Ko Ang Daigdig na umeere na ngayon sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7.

Ang My Only Love din ang alam ni Yasmien na magiging follow-up soap nila at hindi ang Pasan Ko Ang Daigdig. Ang balita pa nga niya noon, may U.S. sequences ito.

Dahil ang Pasan Ko ang Daigdig na nga ang naging follow-up soap nina Yasmien at JC, ibinigay na ng GMA-7 ang My Only Love kina Jennylyn at Mark. Si Direk Louie Ignacio pa rin ang magdidirek nito, na pang-apat na Sine Novela ng Kapuso network ngunit balitang wala na itong U.S. shoot.

Hindi pa alam ni Mark kung kailan sila magsisimula ng taping ng My Only Love dahil kasasalang pa lang ng Pasan Ko Ang Daigdig. As of this week, nasa week eight pa lang ang Kung Mahawi Man Ang Ulap nina Dennis Trillo at Nadine Samonte, na naka-schedule to run for 16 weeks. Pero malamang this year pa rin maipalabas ang balik-tambalan nina Jennylyn at Mark sa isang soap opera.

Source: PEP
By: Dinno Erece
Dated: September 17, 2007

Send this page to friends » Leave a comment »Send a trackback »

Age gap, domestic issues, and fleeting romance take their toll on Aiko's second marriage

Permalink 09/17/07 01:51 , Categories: News & Updates

Entertainment columnist Ricky Lo believes that the eight-year age gap between actress-turned-politician Aiko Melendez and model Martin Jickain took its toll on the marriage resulting in its eventual collapse. But he also stressed that there are definitely other meatier factors that ruined the union.

"Bukod dun sa age gap, eight years ang tanda ni Aiko kay Martin, bukod diyan marami pang complications. One of the problems is, ayaw ng Mama ni Martin si Aiko. Medyo ayaw din nung una ng Mama ni Aiko kay Martin. Palagay ko din si Martin, hindi pa masyadong sawa sa pagbi-binata," said Ricky in an interview with Showbiz Central aired yesterday, September 16.

The Philippine Star columnist was one of the ninongs during Aiko and Martin's wedding held last February 16, 2006, at the Fernwoods Garden in Quezon City.

Ricky refused to pass judgment against Martin, particularly on the accusation that the young model is capable of being physically abusive, though Ricky doesn't discount the possibility either.

"Kasi ang pagkaalam ko kay Martin, mukhang peaceful naman siya. Hindi naman siya 'yong type na manggugulo or mangha-harass, pero baka may mga dahilan na hindi natin alam," he added.

Aiko and Martin's separation was made known to the public last week (September 13) through her friend and publicist Ogie Diaz, who announced the news in his radio program Wow... Ang Showbiz! heard on dzXL.

Since then, various speculations sprouted on the possible reasons Aiko gave up on her second marriage. There were rumors accusing Martin of infidelity, physical abuse, and wasting Aiko's money through failed ventures.

At press time, Martin asked the media to respect his privacy. Aiko has yet to issue any statement regarding the issue.

FLEETING PASSION. Aiko's manager, Wyngard Tracy, was also saddened by this recent event involving his talent.

"Nalungkot ako siyempre... Unang-una, ninong ako sa kasal nila. It's sad kasi ba't ganun ang nangyari," he confided, also with Showbiz Central.

Knowing Aiko best, Wyngard said that he wasn't really surprised when the actress decided to immediately get married at the height of her romance with Martin.

"Si Aiko, minsan ano kasi siya, madaling umibig," he said bluntly.

He also recalled talking to Aiko several weeks before the wedding date to check on the bride and her decision. Somehow, Tracy was a bit wary then.

"Ang sinabi ko lang ‘Are you sure na talagang alam n'yo 'yong pinapasok n'yo? Do you really love each other? 'Yong tunay na motive bakit kayo mag-aasawa sa isa't isa?' Kasi madalas, 'yong mga whirlwind, biglaan physical attraction tapos pag nagkakilala na ng tunay na ugali, 'ayan na."

More than just being a manager, Wyngard's ninong instincts surfaced when solicited for some advice.

"Sana magkaroon pa ng time na ma-solve kung anuman 'yon [problema]. Ngayon kung hindi na sana, maging magkaibigan pa din sila alang-alang na lang kay Marthena [Aiko and Martin's one-year-old daughter]."

Source: PEP
By: Michael Ancheta
Dated: September 17, 2007

Send this page to friends » Leave a comment »Send a trackback »

Sam Milby on Anne Curtis's next boyfriend: "Sana ako na."

Permalink 09/17/07 01:29 , Categories: News & Updates

Hindi binigo ng isa sa hottest heartthrobs ng Pinoy Big Brother na si Sam Milby ang fans at ang kanyang mga co-housemates sa Bahay ni Kuya sa ginanap na free concert sa Araneta Coliseum kagabi, billed as “Housemates: Tuloy Ang Buhay sa Mas Pinalaking Bahay.” Marami ang natuwa sa pagdating ni Sam, sa kabila ng pagiging very busy nito.

“I really made sure na makasama ako dito kasi sila talaga ang una kong nakasama sa loob ng Bahay ni Kuya. This is one of the best ways ng pagbabalik ng utang na loob,” pahayag ni Sam.

Grabe ang sumalubong na tilian at palakpakan ng mga fans ni Sam sa Big Dome. Nagkagulo lalo ang fans nang kantahin ni Sam ang “Maging Sino Ka Man” at “My Girl.”

Dahil dito, tinanong namin ang manager ni Sam na si Erick Raymundo kung kelan magko-concert ang ex-PBB housemate sa Araneta Coliseum.

“’Yan po ang goal namin next year. It’s either birthday concert or third year anniversary niya sa August. Pag-aaralan namin nang mabuti,” sabi ni Erick.

Samantala, during the concert ay kasama si Sam sa last batch ng PBB Season 1 housemates na ininterbyu ng TV at radio hosts na sina Cristy Fermin at Jobert Sucaldito sa stage.

Masayang ibinalita ni Sam na nakapag-first shooting day na siya sa bagong pelikula nila ni Toni Gonzaga at Kristine Hermosa, ang Big Love.

Malapit na rin daw siyang magsimulang mag-taping para sa Book 2 ng Maging Sino Ka Man. Makakasama pa rin niya dito ang nali-link sa kanya na si Anne Curtis at ang magka-loveteam na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Tinanong si Sam kung kumusta na ang kanyang lovelife, lalo ngayon na may boyfriend nang iba ang screen partner niyang si Toni Gonzaga. Ang puwede na lang talaga na i-link kay Sam ay si Anne Curtis na walang boyfriend.

“Sana ako na [ang susunod na boyfriend ni Anne],” pagkatamis-tamis na sabi ni Sam, kasunod ang malakas na hiyawan at sigawan ng mga manonood sa Araneta Coliseum.

Source: PEP
By: Julie Bonifacio
Dated: September 17, 2007

Send this page to friends » 1 comment »Send a trackback »

Joey de Leon takes leave of absence from "Startalk," hurt by MTRCB Chair's threat

Permalink 09/17/07 01:09 , Categories: News & Updates


Walang katiyakan kung kailan babalik sa Startalk si Joey de Leon dahil nasaktan ito sa latest move ni Consoliza Laguardia, Chair ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).

Ipinatawag ni Laguardia sa MTRCB office noong Huwebes, September 13, ang mga representatives ng Startalk dahil hindi niya nagustuhan ang patuloy na paglalabas ng naturang programa ng mga kuwento tungkol sa feud nina Joey at Willie Revillame.

Matatandaang pumasok sa issue ang MTRCB noong August 31 at nakipagpulong sa dalawang hosts para matigil ang alitan ng mga ito, na napapanood ng madla sa telebisyon. Nagbitaw si Willie ng apology noong September 4, pero hindi ito tinanggap ni Joey.

Sinabi ni Joey sa Startalk noong September 8 na hindi ganoon kadaling kalimutan ang mga pahayag ni Willie laban sa kanya.

Ani Joey, "Ang hiniling ko talaga kumpleto. Kung napanood n'yo, sabi ko, gagawin niya uli yung sinabi niya kaya lang kabaligtaran. Wala nang pag-akusa at hiniling ko talaga na meron ding dalawang nakatayo dito na dalawang co-hosts na umiiyak. Seryoso ako nun..."

Dagdag pa niya, "Kailangan gawin n'yo yun. Alam ko baka maging katawa-katawa sa iba, pero seryoso ako dun. Pag ginawa n'yo ‘yon, wala na, palalagpasin ko na lahat ng nasabi n'yo kahit nasiraan na ako sa iba ng pangalan."

Sa naturang interview, binaggit rin ng Eat Bulaga host na baka magalit uli sa kanya ang MTRCB. At nagdilang-anghel siya.

Diumano, nagsalita si Chair Laguardia na papatawan niya ng parusang suspension ang Startalk kapag muli itong naglabas ng anumang interbyu ni Joey tungkol sa hidwaan nila ng Wowowee host.

Noong Sabado, September 15, isang sulat ang ipinadala ni Joey sa staff ng Startalk. Nakasaad dito ang kanyang indefinite leave of absence sa talk show.

Ikinalungkot ng staff ang desisyon ni Joey pero mas ikinalungkot ng mga hosts na sina Lolit Solis, Butch Francisco, at Lorna Tolentino ang ipinahayag ni Laguardia na sususpendihin nito ang kanilang show kapag ininterbyu pa nila si Joey ukol sa isyu.

Si Lolit, na minsang sinuspinde ni Laguardia dahil sa pagsasabi ng salitang "puwerta" sa ere, ang pinaka-vocal sa pagsasalita. Masamang-masama ang loob niya kay Laguardia dahil sinasaklawan raw nito ang freedom of speech at freedom of expression.

Ang pahayag ng beteranang manager, "Nagkamali ako noon kaya tinanggap ko ang suspension ng MTRCB pero hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa ni Laguardia. Walang violation na ginagawa ang Startalk. Bakit siya magbabanta ng suspension? Ganoon lang ba kadali 'yon?

"Hindi ako natatakot na sabihin ang aking opinyon at lalong hindi ako natatakot na muli niya akong suspendihin dahil sa pagsasalita ko ng katotohanan. Hindi rin ako worried na baka hindi na niya ako bigyan ng MTRCB Deputy Card dahil ginagamit ko lang naman ito kapag nakikiihi ako sa mga sinehan!"

Maging ang ilan sa MTRCB employees ay dismayado raw sa concern na ipinakikita ni Chair Laguardia sa feud nina Joey at Willie.

Ayon sa kanila, ginagamit marahil ni Laguardia ang isyu dahil kailangan niya ng positive publicity para muli siyang ma-reappoint bilang MTRCB Chair.

Source: PEP
By: Jojo Gabinete
Dated: September 17, 2007

Send this page to friends » Leave a comment »Send a trackback »

:: Next Page >>

October 2008
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 << <   > >>
      1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31  

Get the latest showbiz chika here. This is a collection of showbiz news from all over the internet. All the contents should be used for personal used only. All the contents are owned by the respective sites to where the contents came from. Our goal is to collect those contents in one blog for easy reading.

Contents

Search

Who's Online?

  • Guest Users: 3

XML Feeds

powered by b2evolution free blog software

Contact | b2evo skins by Asevo | Credits: multiblog | b2evolution hosting | Planque